Posts

Kinabukasan

Image
  Darating ang isang umaga, Magigising ako ng madaling araw.. At kapag lumingon ako sa aking tabi, Mukha mo ang aking masisilayan. Darating din ang isang bukas, Na ipipikit ko ang aking mata... At iyong magandang ngiti, Ang huling tanawin na aking makikita. Kapit lang Mahal ko, Hindi dahilan ang pag-alis ko. Para tuluyang masira ang pangako, At mga pangarap na matagal nating binuo. Hintay lang, Mahal ko, Babalik at makakapiling mo din ako. Itutuloy natin ang paggawa ng mga alaala, Hanggang sa pagtanda ko.

Wala na ba?

Image
  Nakatingin sa langit, Malalim na nag iisip. Patuloy pa bang kakapit, Sa pag-ibig na masakit? Dating mainit na yakap, Simpleng haplos, matamis na ngiti. Napalitan ng malamig na tingin, Kawalan ng oras, tengang bingi. Litratong dati'y tinititigan, Ngayon halos ayaw pagmasdan. Ngiti na dating para akin, Ngayon tila napunta sa kawalan. Kakapit paba sa pusong malamig? Mananatili sa yakap na walang lambing. Hahalik pa ba sa labing nakalimot? Na dati tanging ligaya ang dulot. Wala na ba ang dating pagtingin? Ikaw pa ba'y patuloy na iibigin? Sabihin mo sa akin ano ang gagawin, Sa lamig ng gabi na wala ka sa piling.

Paano Nga Ba?

Image
Paano nga ba.. Kalimutan ang labi mo na kayganda? Iwaglit sa isip ang mapungay mong mga mata, At iwasan ang alala na palaging nadarama. Paano nga ba.. Mabubuhay ng wala ka? Itutuloy ang pangarap na hindi ka kasama, At aaliwin ang sarili na puro lungkot lang ang nangunguna. Paano nga ba.. Magsisimula ulit kapag ako'y iniwan mo na? Gugustuhin gumising pa sa bawat umaga, At tatahakin ang buhay na wala ng ningning at saya. Paano nga ba.. Tanong ng aking isip na nangangamba Bulong ng aking puso na nag aalala Turuan mo ako.. paano nga ba?

Musings of a Broken Heart

Image
The best way to deal with pain is to endure it.  Only then will it heal.." - Ex with Benefits How do I unlove you? How do I tell my mind that you're not mine to keep? How do I stop this pulse that tells me this feeling is true? Tell me please, before my heart can leap. How do I not think of you? How do I close my eyes without seeing your face? How can I not hear your name and not feel blue? Tell me please, my mind is in a daze. I did not plan on loving you... I did not count on feeling this way. Now I don't know what to do... Tell me please, if you may. If only I can go back in time, To before I saw your pretty face; To before I saw your sweet smile; To before, in your eyes, I gazed. It would have meant less heartaches, Less sorrow, less pain. It would have also meant a dark existence, No sunshine, just rain. I would not be happy, But I will not miss you so... I would not be as lively, But I would not dread the day that you go.

Ang Pagbabalik ng Kanaway sa Pugad

Image
Sa Isla ng Talim, mga ibo'y nananahan Pugad itinayo sa pusod ng kagubatan Ayungi'y dinadagit sa tubig na may kalamigan Sa gitna ng hanging habagat o amihan Tatagpasin ang ulan, hangin at lamig Kanawa'y lilipad sa malapad na langit Bubulusok paibaba sa malamig na tubig Iimbulog paitaas, ayungin sa bibig nakapiit Pag isda'y nadagit kanaway muling lilipad Sa pusod ng kagubatan, pakpak ay mapapadpad Bitbit ang ayunging kanina'y dinalupadpad Tungo sa naghihintay na inakay sa pugad Saan mang dako ipanig ang paningin Tao man, o ibon rin Lalayo ang ama o inahin Ngunit babalik sa pugad, upang inaka'y pakainin Sa kabila ng lahat ng susuunging hirap Magulang o kanaway patuloy na magsisikap Di alintana mga balakid na makakaharap Maitaguyod ang anak, siyang tanging pinapangarap Clerissa Carritero-Austria Dec. 7, 2003 Isla ng Talim Note: This poem was first published in Manila East Watch Vol 3 Issue 19 Dec 15-21, 2003

Mahal, huwag ka muna bibitaw

Image
Nagsimula sa ngiti, asaran at kantiyawan. Hanggang sa kalauna’y nauwi, sa malalim na pagmamahalan.. Hindi alintana mga balakid at pagsubok na haharapin. Lahat ng ito ay kakayanin, manatili lang na ika’y akin. Lungkot ay naging saya, luha napalitan ng ligaya. Pag-ibig na iyong ibinigay, sa puso ko mananatili habang buhay. Pero kahit anung gawin, mga problema darating. Away, selos at pagdududa, lagi padin papagitna sa atin. Ang tanging hiling ko sa’yo aking mahal, Sa tuwing pagsubok ay nariyan, palagi mo sanang iisipin.. Ako ang nasa pagitan, ng madilim na kahapon at magandang bukas.. Ako ang bubura sa mapait na alaala ng nakaraan, at maliwanag na hinaharap ay sisimulan. Ako ang magmamahal sayo ngaion, bukas at hanggang sa banda pa roon. Ako ang kasama mo bubuo at tutupad ng mga pangarap.. Kahit alam ko, sa huli ay ndi ako kasama ni sa hinagap. Kaya huwag ka muna bibitaw aking mahal, puso ay hindi pa handa. Kahit pa alam ko.. at tanggap ko.. Na ikaw ay hindi ...

Moments

Image
I see your name.. and it all flashes back. The memories.. The secret smiles.. The light touches.. The sweet kisses. I hear your voice.. and it all rushes in. The places we've seen.. The people we've met.. The food we've tasted.. The laughter we've shared. I see your picture.. and the tears slowly fall. Because I miss the smile on your face.. Miss the tight hugs you gave.. Miss the moments we've shared.. And because deep down I know.. It's now all part of the past. Something that we cannot go back to.. No matter how hard we want it to be. There is no US anymore.. All that's left is YOU with Her.. And ME with Him.