Posts

Showing posts from November, 2022

Hindi Inaasahan

Image
Tulad ng ulan sa gitna ng tag-init Pulang Santan sa bugkos ng dilaw Sayaw sa liriko ng tula Tubig sa lalamunang uhaw Di inasahan, di pinilit, di pinlano Biglang umusbong, damdaming nagpabago Sa utak at puso na matagal na naglaho Binago ang buhay sa dati'y hindi klaro Minsan sa buhay, biglang dumarating Mga bagay na hindi inaasahan Mga lugar na hindi pa nararating Mga pangyayaring hindi akalain Ang alam ko lang sa ating buhay na di tiyak Minsan dumarating mga bagay at taong dala ay galak Sa pusong dati ay puno ng duda at tanong Saya ang hatid sa simpleng "Mahal Kita" na binulong