Hindi Inaasahan


Tulad ng ulan sa gitna ng tag-init

Pulang Santan sa bugkos ng dilaw

Sayaw sa liriko ng tula

Tubig sa lalamunang uhaw


Di inasahan, di pinilit, di pinlano

Biglang umusbong, damdaming nagpabago

Sa utak at puso na matagal na naglaho

Binago ang buhay sa dati'y hindi klaro


Minsan sa buhay, biglang dumarating

Mga bagay na hindi inaasahan

Mga lugar na hindi pa nararating

Mga pangyayaring hindi akalain


Ang alam ko lang sa ating buhay na di tiyak

Minsan dumarating mga bagay at taong dala ay galak

Sa pusong dati ay puno ng duda at tanong

Saya ang hatid sa simpleng "Mahal Kita" na binulong

Comments

Popular posts from this blog

On Deniece and Boy Bulalo - A Comedy of Errors

Kailan Nga Ba?