Kailan Nga Ba?



Aasa pa ba?

Sa ipinangako mong saya

Na iibsan mo ang lungkot

Ng aking bawat umaga


Maghihintay pa ba?

Bigyan mo ng oras at pansin

Ang pusong nangungulila

Na ika'y makapiling


Mamahalin pa ba?

Ang puso mong manhid

At ang tenga mong bingi

Sa aking mga hinaing


Pagbibigyan pa ba?

Ang puso ko na umasa

Sa tunay na pagmamahal

Na ipinangako mo sana


Pakikinggan pa ba?

Ang bawat rason at dahilan

Patuloy pa ba mabubuhay

Sa gitna ng kawalan


Hanggang kailan magtatanong

Ang utak kong pagod na

Hanggang kailan maghihintay sayo

Pansinin ako, kailan nga ba?

Comments

Popular posts from this blog

Hindi Inaasahan

On Deniece and Boy Bulalo - A Comedy of Errors