Mahal, huwag ka muna bibitaw



Nagsimula sa ngiti, asaran at kantiyawan.
Hanggang sa kalauna’y nauwi, sa malalim na pagmamahalan..

Hindi alintana mga balakid at pagsubok na haharapin.
Lahat ng ito ay kakayanin, manatili lang na ika’y akin.

Lungkot ay naging saya, luha napalitan ng ligaya.
Pag-ibig na iyong ibinigay, sa puso ko mananatili habang buhay.

Pero kahit anung gawin, mga problema darating.
Away, selos at pagdududa, lagi padin papagitna sa atin.

Ang tanging hiling ko sa’yo aking mahal,
Sa tuwing pagsubok ay nariyan, palagi mo sanang iisipin..

Ako ang nasa pagitan, ng madilim na kahapon at magandang bukas..

Ako ang bubura sa mapait na alaala ng nakaraan,
at maliwanag na hinaharap ay sisimulan.

Ako ang magmamahal sayo ngaion,
bukas at hanggang sa banda pa roon.

Ako ang kasama mo bubuo at tutupad ng mga pangarap..
Kahit alam ko, sa huli ay ndi ako kasama ni sa hinagap.

Kaya huwag ka muna bibitaw aking mahal, puso ay hindi pa handa.

Kahit pa alam ko.. at tanggap ko..
Na ikaw ay hindi para sa akin, at ako ay hindi para sayo.

Pilat ng iyong paglisan ay magiiwan padin ng bakas..
Sa oras na ang lahat ng ito ay tuluyan ng magwakas.

Comments

Popular posts from this blog

Hindi Inaasahan

On Deniece and Boy Bulalo - A Comedy of Errors

Kailan Nga Ba?