Ang Pagbabalik ng Kanaway sa Pugad




Sa Isla ng Talim, mga ibo'y nananahan

Pugad itinayo sa pusod ng kagubatan

Ayungi'y dinadagit sa tubig na may kalamigan

Sa gitna ng hanging habagat o amihan


Tatagpasin ang ulan, hangin at lamig

Kanawa'y lilipad sa malapad na langit

Bubulusok paibaba sa malamig na tubig

Iimbulog paitaas, ayungin sa bibig nakapiit


Pag isda'y nadagit kanaway muling lilipad

Sa pusod ng kagubatan, pakpak ay mapapadpad

Bitbit ang ayunging kanina'y dinalupadpad

Tungo sa naghihintay na inakay sa pugad


Saan mang dako ipanig ang paningin

Tao man, o ibon rin

Lalayo ang ama o inahin

Ngunit babalik sa pugad, upang inaka'y pakainin


Sa kabila ng lahat ng susuunging hirap

Magulang o kanaway patuloy na magsisikap

Di alintana mga balakid na makakaharap

Maitaguyod ang anak, siyang tanging pinapangarap


Clerissa Carritero-Austria

Dec. 7, 2003

Isla ng Talim

Note: This poem was first published in Manila East Watch Vol 3 Issue 19 Dec 15-21, 2003

Comments

Popular posts from this blog

Hindi Inaasahan

On Deniece and Boy Bulalo - A Comedy of Errors

Kailan Nga Ba?