Kinabukasan

 

Darating ang isang umaga,

Magigising ako ng madaling araw..

At kapag lumingon ako sa aking tabi,

Mukha mo ang aking masisilayan.


Darating din ang isang bukas,

Na ipipikit ko ang aking mata...

At iyong magandang ngiti,

Ang huling tanawin na aking makikita.


Kapit lang Mahal ko,

Hindi dahilan ang pag-alis ko.

Para tuluyang masira ang pangako,

At mga pangarap na matagal nating binuo.


Hintay lang, Mahal ko,

Babalik at makakapiling mo din ako.

Itutuloy natin ang paggawa ng mga alaala,

Hanggang sa pagtanda ko.

Comments

Popular posts from this blog

Hindi Inaasahan

On Deniece and Boy Bulalo - A Comedy of Errors

Kailan Nga Ba?