Wala na ba?
Nakatingin sa langit,
Malalim na nag iisip.
Patuloy pa bang kakapit,
Sa pag-ibig na masakit?
Patuloy pa bang kakapit,
Sa pag-ibig na masakit?
Dating mainit na yakap,
Simpleng haplos, matamis na ngiti.
Napalitan ng malamig na tingin,
Kawalan ng oras, tengang bingi.
Litratong dati'y tinititigan,
Ngayon halos ayaw pagmasdan.
Ngiti na dating para akin,
Ngayon tila napunta sa kawalan.
Kakapit paba sa pusong malamig?
Mananatili sa yakap na walang lambing.
Hahalik pa ba sa labing nakalimot?
Na dati tanging ligaya ang dulot.
Wala na ba ang dating pagtingin?
Ikaw pa ba'y patuloy na iibigin?
Sabihin mo sa akin ano ang gagawin,
Sa lamig ng gabi na wala ka sa piling.
Comments
Post a Comment