Paano Nga Ba?
Paano nga ba..
Kalimutan ang labi mo na kayganda?
Iwaglit sa isip ang mapungay mong mga mata,
At iwasan ang alala na palaging nadarama.
Paano nga ba..
Mabubuhay ng wala ka?
Itutuloy ang pangarap na hindi ka kasama,
At aaliwin ang sarili na puro lungkot lang ang nangunguna.
Paano nga ba..
Magsisimula ulit kapag ako'y iniwan mo na?
Gugustuhin gumising pa sa bawat umaga,
At tatahakin ang buhay na wala ng ningning at saya.
Paano nga ba..
Tanong ng aking isip na nangangamba
Bulong ng aking puso na nag aalala
Turuan mo ako.. paano nga ba?
Comments
Post a Comment