Parang Kahapon Lamang
Parang kahapon lang.. Nang tayo ay magkakilala At masilayan ko Ang maganda mong mga mata Parang kahapon lang.. Nararamdaman ay ipinagtapat Puso ay nagkasundo At mga labi ay naglapat Parang kahapon lang.. Sinimulan mo sa akin ipadama Lalim ng pagmamahal Na noon pa man ay aking hiling at dasal Parang kahapon lang.. Nabubuhay ng malungkot at nag iisa Tinatahak ang buhay ng walang saya Naglalakbay na puno ng pangamba Parang kahapon lang.. Nang dumating ka at pinasaya Puso ko na puno ng pagdurusa Pinalitan ng pag ibig at ligaya Kalahating taon mula noon Isang daan at walumpu’t araw na ngaion. Wari’y napakahabang panahon Mahal ko, ikaw at ikaw pa rin.. sa puso ko ay naroon.