Parang Kahapon Lamang

Parang kahapon lang..

Nang tayo ay magkakilala

At masilayan ko

Ang maganda mong mga mata


Parang kahapon lang..

Nararamdaman ay ipinagtapat

Puso ay nagkasundo

At mga labi ay naglapat


Parang kahapon lang..

Sinimulan mo sa akin ipadama

Lalim ng pagmamahal

Na noon pa man ay aking hiling at dasal


Parang kahapon lang..

Nabubuhay ng malungkot at nag iisa

Tinatahak ang buhay ng walang saya

Naglalakbay na puno ng pangamba


Parang kahapon lang..

Nang dumating ka at pinasaya

Puso ko na puno ng pagdurusa

Pinalitan ng pag ibig at ligaya


Kalahating taon mula noon

Isang daan at walumpu’t araw na ngaion.

Wari’y napakahabang panahon

Mahal ko, ikaw at ikaw pa rin..

sa puso ko ay naroon.

Comments

Popular posts from this blog

Hindi Inaasahan

On Deniece and Boy Bulalo - A Comedy of Errors

Kailan Nga Ba?